I miss the feeling of the sands on my feet and I miss hearing the sound of the sea waves.
my hobbies include looking things up on the internet that I can’t afford
(Source: upgraders, via z0mbie-pirate)
Namimihasa ka na. Masyado kang bilib sa sarili mo na lahat napapaniwala mo.Hindi lahat ng nanamihik walang malay. Makaramdam ka. Hindi ko naman hiningi atensyon mo pero bakit kailangan gawan mo pa istorya ang bawat bagay na binabanggit mo? Kulang pa ba ang atensyon na binibigay nila sayo pati sa akin kailangan may atensyon kang nakukuha? Hindi ka ba nanghihinayang sa bawat oras na kinakausap mo ko wala naman patutunguhan ? Lahat drawing pre.
(Source: discolor3d, via lovequotesrus)
[video]
May din nung nagpunta kami ng Zambales last year kasama ko mga college friends ko.Anawangin Cove ang dinayo namin. This time yung friend ko naman na kasama ko dati sa dating call center na pinapasukan ko yung kasama ko kasama jowa niya na taga San Antonio so madali lang ang lahat kasi may contact na kami. Naloka ako at puro tulog ang ginawa ko at gumigising lang para kumain haha! Sana daw di na ako gumastos makikitulog lang din daw pala ako.Soooo ayun..
Sa Sam’s Beach Resort kami nagstay. 4 kami nung maghapon kasama yung kapatid na babae ng jowa ng friend ko. So pagsapit ng gabi sila couple ako asungot. Sila sa sahig ako sa kama lol. 2k ang rent sa room. May isang kama, Aircon at magandang view. Yung CR at Shower room pwede na sulit na din para sa 2k na bayad para sa 24hrs na stay. Sa labas nga lang ng kwarto pero malinis naman. Ang selan ko din kasi sa ganun. Mabait si nanay na nagaasikaso sa amin kapag may kailangan kami. 60 ang bayad mula sa bayan papuntang Pundaquit. Hindi ka mahihirapan kumuha ng tricycle kasi sila mismo lalapit sayo. Sulit din ang isang araw na bakasyon/pahinga handa na ako sumagot ng mga nakakapesteng tawag. Gusto ko bumalik ng Zambales at potipot ang napagiintiresan ko.
(Source: sagapousa-prin-mas-dw-mazi, via ijustwantoseeyousmile)
(Source: phreewoman, via hooker-on-a-church-corner)
Okay na ako. Dyan ka na lang. Hindi na maibabalik. Tama na. Hanggang salita ka lang naman.
Sukang suka na ako sa araw-araw/gabi-gabi kong ginagawa sa trabaho. Ayoko na suko na ako. Gusto ko na ng bago. Gusto kong magpalipat sa Baguio. Ayaw ko rin naman iwan yung napaka kewl kong TL pati na rin mga abnormal kong katrabho. Kaso nawala na pagkabibo ko sa magtrabaho. Inoofferan din ako ng nanay kong mag aral sa Australia. Kaya ko ba? Ano ng mangyayari sa mga property na inumpisahan kong paglaanan ng pera galing sa trabaho? Hindi ko alam paano ihihinto ang mga bagay bagay na nakasanayan ko na pero hindi ko na kayang ituloy pa. Hindi ko rin naman alam paano uumpisahan kumilos para pagbabago sa buhay ko. tengene lulunok na lang ako ng madaming sodium chloride hiraaaaaap!!
Kung kailan limot ka na niya saka mo siya gustong bigyan ng panahon. Noong mga oras na sabik na sabik siya na makasama ka o makausap ka hindi mo magawang pagbigyan siya. Kung kailan masaya na siya kahit magisa lang siya saka mo siya lilituhin sa dapat niyang gawin. Kung kailan tapos na siya sayo saka mo inuumpisahan na bigyan ng ideya kung tama ba ginawa niyang paglimot sa nararamdaman niya para sa’yo.
Hindi man lang umabot ng isang taon pagkakaibigan natin. Hindi ko rin naman hiniling na humigit sa pagkakaibigan ang maging ugnayan natin. Bigla kang lumayo, nawala at nakalimot.
Yung sex life niya parang birthday. Once a year lang.
Oo summer na! Lumakwatsa na ako akshuli. Kaso iisa pa lang, matumal ang gala ko ngayon gawa ng sa trabaho. Nagteam building kami sa laguna.
Hindi kami namundok. Ayan lang yung view sa private pool na inupahan namin sa Calamba. Tengene mutya ng calamba private pool nakuha namin. Okay na din mainit yung tubig at hindi nagbuhol buhol yung buhok ko, di tulad nung nagswimming kami sa valenzuela. Shet sumpa ng naka kulay yung buhok. Busy sila sa videoke at pagluluto. Sinulit ko lang yung bayad ko. Ako unang lumusong sa pool,unang natulog, unang tinamaan ng alak (after a year ngayon lang nakainom ulit 3 shots lang parang sex matumal ang alak sa buhay ko taon bago dalawin)