Yung feeling na hindi ka naman broken hearted pero hindi ka rin naman inlove. Mas mahirap pala yung ganun. I feel so empty (err ano daw?) Walang inspirasyon, laging naboboring, sarap siguro magkulong sa aparador. Andyan mga kaibigan ko pero iba talaga yung pakiramdam. Let’s say more than 1 year na ako walang stable romantic relationship (at inna-announce ko talaga? haha!) at yung tipong inlababo ng todo-todo. Nakaka-blanko pala yung ganito. After ng ilang ton na may karelasyon ang hirap pala mag-adjust ng pagiging single. Ang landi ko hindi ko na matagalan lol. Hindi ko alam kung dadating pa yung pakiramdam na kontento ako. Yung pakiramdam na excited ako gumising araw-araw. Yung may pangmatagalan kang may iniintindi. Sa ngayon walang sistema ang buhay ko. Magtatrabaho ng ilang buwan, tatamarin ako, lilipat, tapos mag-aaral. Wala akong direksyon tangina gusto kong magpaka-busy. buset!

(Source: lakwatserangutak)