Showing posts tagged contentment

kung tutuusin madaming nakakaalala sa akin. pero hindi ko maintinihan bakit parang may hinahanap akong tao na gusto kong makaalala sa akin. Tuwing nakikita ko facebook ko yung mga kaibigan at kakilala ko ng matagal na panahon ko ng hindi nakakasama naalala nila ako at hindi nakakalimutan na suportahan at kamustahin. Kung tutuusin madami akong kaibigan na nagtatampo na kasi hindi ko mabigyan ng sapat na atensyon. Ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi ko maramdaman na sapat na sila. Parang may kulang pa rin sa buhay ko. Ganito ba talaga ang tao ? hindi marunong makuntento ? Humiling ako dati na magkatrabaho at binigay sa akin, masaya na ako sa sweldo ko noon pero nung tumagal naghahanap na ako ng higit na pera na papasok sa bulsa ko. Contentment ba talaga ang pinakamahirap makuha? Hindi ako masaya sa mga nangyayari. Nakukuha ko lahat pero hindi ako mapasaya ng husto, hindi ako makuntento.