Showing posts tagged personal

Sukang suka na ako sa araw-araw/gabi-gabi kong ginagawa sa trabaho. Ayoko na suko na ako. Gusto ko na ng bago. Gusto kong magpalipat sa Baguio. Ayaw ko rin naman iwan yung napaka kewl kong TL pati na rin mga abnormal kong katrabho. Kaso nawala na pagkabibo ko sa magtrabaho. Inoofferan din ako ng nanay kong mag aral sa Australia. Kaya ko ba? Ano ng mangyayari sa mga property na inumpisahan kong paglaanan ng pera galing sa trabaho? Hindi ko alam paano ihihinto ang mga bagay bagay na nakasanayan ko na pero hindi ko na kayang ituloy pa. Hindi ko rin naman alam paano uumpisahan kumilos para pagbabago sa buhay ko. tengene lulunok na lang ako ng madaming sodium chloride hiraaaaaap!!

Family

Too young para magbuo ako ng sarili kong family pero gusto ko na magkababy. Haha! Weird. Pero marami pa akong gustong gawin at dapat gawin. Namimiss ko lang siguro yung tatay na may maasahan kaya gusto ko ng lalake sa tabi ko. Yung maasahan kong hindi ako iiwan. Responsableng tao na pwedeng asahan ng mga tao sa paligid niya. Mapagkakatiwalan at alam magiging resulta ng mga bagay na gagawin niya.Madami akong gusto alam ko naman malabong nasa iisang tao yang mga hinahanap ko pero kung sinong dadating. Kung sino willing magstay. Kung sino man siya. Ang tagal niyang dumating.

ITR. Eto nanaman ako si compute ng emote sa pera. Kapag may reference ako ng kung anik anik na galing sa HR yung putanginang TAX ko lagi nakakasakit ng damdamin ko. Pinaghirapan ko ng ilang araw tapos madidismaya lang. Akala ko sa pagibig lang may paasa pati rin pala sa pera haha! Pero minsan buti pa ang lalake madaling kalimutan pero yung laki ng TAX ko hindi. Hiraaaaaap!

Can you do me a favor?

I miss you babe..
I really do miss you..

Okay sino kaya ‘to? Sino sa inyo? Charot!
Yung unang linya bago magstart shit ko sa trabaho nungg natanggap ko. Tinanong ko kung sino siya deadma. KFINE. Yung pangalawa naman bago matapos shit ko sa trabaho nung nakuha ko.
Okay? Nagkataon?
So hindi ko kilala yung number. Walang may alam ng number na pinanggalingan ng mensahe piste lang!
Iniisip ko baka suminghot ng chalk yung nagsend sa akin ng text message. Baka naman nanghula lang siya ng number tapos sinend niya lang yang nakakapraning na mensahe at maswerte siyang may uto utong gaya ko na nagreply lol (ako na assumera!) Wala na akong load kaya nung nagtext siya ng pangalawang beses hindi ko na nausisa kung sino siya. Wala na akong pera loadan niyo ko. Taghirap ang katulad ko kapag huling linggo bago ang araw ng sweldo. Pero hutana mabalik dyan kay babe haha! Bahala siya kung ayaw niya magpakilala. Mahirap mamilit ng ayaw buset. Can you do me a favor? Wag mo na uulitin yan hindi mo alam pinagdadaanan ng katulad ko. Ayoko ng nanghuhula. Nakakapanghina.

20th day

First time kong malalasap ang restday ko sa taon na ‘to. Well kung wala lang akong appointment sa DFA hindi ko kukunin yung restday ko today. 20th day ko kahapon sa trabaho. Ang bilis lang ng oras. May mga nagsasabing nakakalimot daw ako pero sa totoo lang busy lang ako sa trabaho. Wala naman akong ibang pinagtutuunan ng pansin kundi bahay at trabaho. Pero dahil palalapit na ang bakasyon hephep! Palong palo ako sa vacation leave at gala. Marami ng nakalatag ang hiling ko lang ay matuloy haha! Wag lang talkshit mga kasama ko kundi nganga ako nanaman ako sa trabaho.

(Source: lakwatserangutak)

Hindi naman kasi niya talaga kailangan humingi ng tawad sa akin. Yung ex ko kasi tinawagan ako kagabi humihingi ng tawad. Gulat ko lang kasi 4 taon na nakakalipas.Noong tinatapos na namin yung sa aming dalawa di ako nakaramdam ng galit, nalungkot lang ako kasi nasayang pareho oras namin nung mga panahon na yun. Sayang mga plano. Nung oras na bibitaw na kami pareho sa isa’t isa nagawa ko pang itanong sa kanya kung may nagawa akong mali o kung may kulang pa sa akin. Sabi niya lang “wala” siya ang may problema kaya patawad. Noong mga panahon na iyon umamin naman siya sa akin na may iba siya pero sabi ko okay lang wag na siya magpaliwanag, huwag na din siya humingi ng tawad okay lang.Sabi ko sa kanya huwag siya sa akin humingi ng tawad dahil hindi naman ako nagmamahal na paninda lol. Nagawa ko pang magbiro sa kanya habang seryoso siya. Sabi ko sa kanya wag siya sa akin humingi ng tawad kasi matapos niyang umamin tapos na ang lahat sa amin at hindi na ako ang niloloko niya.May iba ng taong nagtitiwala sa kanya. Dapat dun siya sa babaeng pinili niya humingi ng tawad at pangintindi. Sila pa rin nung babaeng pinili niya matapos ng sa aming dalawa. Tinanong ko siya bakit bigla niyang naisip na tawagan ako at humingi ng tawad. May problema daw silang dalawa at siguro kinakarma daw siya sa ginawa niya sa akin. Sabi ko na nga ba’t may kailangan nanaman sa akin. Sabay tawa. Sa apat na taon na pagiging civil sa isa’t isa ako pa rin takbuhan niya. Mapa pamilya, kaibigan o buhay pagibig ang pinagdadaanan niya. Minsan ko na siyang tinanong bakit sa akin siya komportableng magsabi ng nararamdaman pero hindi niya rin daw alam. Pero ang akin lang masalimuot din pala ang nangyari sa nakalipas na 4 na taon. Masyado din pala akong maluwag sa mga taong may atraso sa akin. Ayoko lang din makita nilang nahirapan ako sa mga nagawa nila. Sapat na sigurong nasaktan nila ako ng minsan pero ang isipin ko pa sila ng paulit ulit at pahirapan ang sarili ko parang hindi na tama at lugi na ako masyado.

(Source: lakwatserangutak)

Nakakasawa

Nakakasawa din pala kapag nakuha mo na yung mga gusto mo. Wala na akong maisip gawin sa buhay ko bukod sa pagiipon ng pera. Wala rin akong maisip na paglalaan bukod sa bangko. Natikman ko na yung mga luho na gusto ko. Kailangan ko ng mas malalimlalim na inspirasyon kundi mawawalan nanaman ako ng gana. Nakakasawa ang paglandi sa opisina lol kailangan ko ng mas malalim na paghuhugtan. Yung pangmatagalan. Yung agagaw ng atensyon ko, lahat lahat ng oras ko. Nakakasawa din maging workhollic parang ang petiks. Naghahanap nanaman ako ng luluguran o baka may bago nanaman na dapat akong paghandaan.

(Source: lakwatserangutak)

Dear kuya

Huwag ka nanghuhuli kapag napapatingin ako. Nagba-blush ako. hihi! Kakainis eh di ko naman kasi siya kilala siguro mga 3 months na kami nagtatake ng calls nung napansin ko siya. Tapos ngayon sipag sipagan ako kahit 6 days straight ang pasok wala akong reklamo hihi! Lalo na ngayon pareho na ata kami ng schedule. (Naks! ang stalker ko) Break na kami ni kuyang taga I.T di ko na siya type lol

(Source: lakwatserangutak)

Siguro

Hindi naman siguro magtatampo sa akin erpat ko kung hindi ko siya mapupuntahan sa a-uno o dos ng nobyembre. May pasok kasi sa trabaho at bawal mag-apply ng vacation leave hanggang Nov. 25. Hindi din pwede umabsent kasi magiging lost hours ko yun sa trabaho ang lakas maka hatak ng stats. HIndi din ata ako makakapag enroll ngayon sem huhuhuuh! Pang umaga pa rin ang trabaho at mandated ang mga OT araw-araw. Magsasayang lang ako ng pera kapag nag-enroll ako. Hindi ko din mapapasukan kasi committed ako sa trabaho. Ang hirap ng walang tatay ang hirap hatiin ang katawan para magampanan mo lahat. Namimiss ko na papa ko. :(

Le budget

Kasi naman kanina nagcocompute kami ni mama kung magkano ang kailangan kong ilabas na pera since sweldo ngayon. Nilatagan ako ni mama ng gastusin tapos nung nag-agree na ko sa mga ibaba kong pera mga apat na beses ko ata pinaulit sa kanya kung magkano ibibigay ko at kung anu-ano kasama sa halaga na yun. Hahaha ! Bakit ganun ayaw pumasok sa kokote ko yung gastusin hahaha!

(Source: lakwatserangutak)

Kaibigan,ang tigas ng ulo mo!

Gusto ko siyang payuhan sa paraan na hindi siya maooffend. Iba kasi siya sa mga kaibigan ko na nababara ko. Siya yung tipo ng tao na sasaktan ang sarili kapag nalulungkot o hindi na alam ang gagawin kapag may problema. Ubod pa ng tigas ang ulo niya. Ganito kasi yung eksena yung ex niya sinabi sa kanya na meron na siyang iba. (Nakakaloka nakakadismaya yung pinalit niya sa kaibigan ko mukhang putragis .)Edi ito nga si friend naloka, sa panic niya pinost niya yung picture nung dalawa na may intense na caption sabay tag kay EX niya. Edi umaatikabo yung comments sa fb nilang dalawa. Madami sa mga kaibigan nila/namin ang pinapatanggal na yung picture at magusap ng sila lang dalawa. Nabubuwisit ako dun sa lalake kasi ang bastos niya. Di man lang siya maging sensitive sa feelings ng friend ko pinatulan niya pa yung post. Imbes na di na lang siya umimik binuyangyang pa niya sa fb kung anu anong ginawa nung friend ko nung nasa zambales kami ee kung tutuusin wala naman siyang ginawa kasi kami lang naman kasama niya. Gusto ko siyang ilayo sa lalake na yun naiinis ako. Kaso wala di yun makikinig sa amin/akin. HAY KAIBIGAN! Ang magagawa na lang namin para sa kanya imonitor siya na di maglaslas. Bat ba ang hirap!

Ano ba naman?

Tinatamad ako pumasok. Kailan lang sipag na sipag at ang hyper ko sa trabaho ngayon parang nagsasawa na ako. Anak ng tinapa di nanaman ako makapag decide sa buhay ko. Ilang buwan pa lang ako ayoko pang tumigil. Kung tutuuusin maganda buhay ko sa office.Maganda stats ko. May malambot na upuan, malamig na kapaligiran, kasundong mga katrabaho. Nyeta talaga gusto ko pa magstay pero parang may pumupigil. Kailangan ko lang ata ng pahinga. Kaso bukas pa rest day ko at frida pa ang sweldo. asdfghjkll!Kainis. Ganito kagulo isip ko. Pabigla bigla. Kaya tama lang din siguro di na lang ako makipag relasyon. Bigla bigla akong nanlalamig ng walang dahilan. Biglang nangiiwan ng hindi nagsasabi. Pero namimiss ko ng may nilalambing, may tinatawag na akin, may mararamdaman na selos kapag may nakapaligid na iba sa kanya, may katampuhan, may magaalala sa akin, may bibigyan ako ng effort at may taong makikitaan ko na pinahahalagahan ako. Pero sa mga oras na to di ko alam.Walang direksyon ang mga bagay bagay sa buhay ko ngayon.

Ako po ay kasalukuyan na nagaadik sa trabaho humihingi po ako ng paunawa kung wala akong oras para sa inyo. Mehe! Araw-araw ako naka OT tapos ngayon RD OT pa rin napaganto ko ito lang lang pala pinag gagawa ko ngayong linggo. Yung iba kong mga katrabaho pinapauwi na ako di ko na kasi napapansin yung oras ngayon kulang kulang 24hrs ako nasa office.

Kung pwede ko lang jowain ang penguin na lalake jinowa ko na.

Kauwi ko lang from work. Di pa ako makatulog. Gusto ko siyang katabi ngayon. Gusto kong magtagpo mga labi namin pag galing ko pa lang sa trabaho. Gusto ko ng kalinga saan man sulok ng kama putangina!

(Source: lakwatserangutak)

Darating ang panahon na magpapaalam din ako sa buhay mo. Isang tao na nakilala mo dito sa tumblr. Nakatawanan sa text at sa personal. Minsan na napaibig mo (at hindi ko alam kung alam mo). Kasi sa totoo lang napapagod na ako maramdaman wala akong lugar sa buhay mo.

(Source: lakwatserangutak)